Tuesday, July 29, 2008

sana may rewind ang buhay.

oo lagi kong sinasabi na kung pwedeng bumalik wala akong babaguhin. pero sa totoo lang marami. maayos ang buhay ko ngayon. masaya. pero sa palagay ko kung maiitama ko yung mga kamalian mas magiging masaya siguro. gusto mo isa-isahin ko? game. haha

1. unang una sa lahat ay yung ginawa ko nung 3rd year high school. sana hindi ko sinira. sana hindi ako naging makasarili. sana hindi ko kailangan patunayan sa sarili ko na mas magaling ako. na pipiliin ako. sayang. sayang lang na tinapon ko lang ang lahat. sana hindi ko sinira yung tiwala. oo. sobrang nami-miss ko siya. gusto ko bumalik yung dati. nung masaya pa kami. nakakainis talaga. ayos na kami ngayon. pero di na tulad ng dati. napaka-casual na lang namin. hi hello. ganun.

2. sana hindi naging malabo ang mga pangyayari nung 1st year. march 13. kung sakali, hindi ko na siya pinakawalan. sana limang taon na.

3. sana hindi ko pinilit. isang bagay na ayoko. natutunan kong magustuhan. tapos iniwan din ako.

4. sana sinabi ko na sa kanya. kung saka-sakali, baka naiwasan kong masaktan.

5. sana nakausap ko pa siya. bigla na lang siyang nawala e. di ko man lang nalaman ang rason kung bakit naging ganito. hanggang ngayon. ano ba ang nagawa ko?

6. sana binigay ko na ng mas maaga yung slot ko sa film.

7. sana nakapagdesisyon na ako nung hs pa lang kung ano talaga gusto ko gawin.

8. ang daming tao na nawala. SANA pinakita ko kung gaano sila kahalaga sa akin. sana hindi ko sila binalewala. nakakainis. sayang.



sana maitama ko ang mga mali. sana.

7:25 PM