Saturday, July 19, 2008

i've lost faith in humanity.

--------------------------------------------------

hehe joke lang. wala lang. ang aga pa. it is exactly 7:45am. 8am class kasi ako. e nagtext si teacher ella na 12pm daw niya kami i-meet. GRAWR. i'm really bored and sleepy at the same time. pero magblog na lang ako. YAY

--------------------------------------------------

Malapit na ang Aug 8, 08 :)

inaabangan mo na rin ba? hehe :P so there. party party later. Emba night! pero ewan. tinatamad ako. at may sakit ako. tapos may exam pa ko sa envisci sa thursday. hahaha :)) nerd. hmm. ano pa ba. ah, party later kasi birthday ni ate sa monday (July 21). she is turning 23. oo tama. kasi age ko + 4. hmmmm. wala na ko masabi. ano kaya susuotin ko? pwede rin ako sumama. para may new pics. pero nakakatamad talaga. gusto ko magmovie marathon!!!! RAAAAAAAAAA.

next week baka punta ko ust. pero sabi ni heidi di daw yata siya pwede. so ewan. may apollo pa naman ako from francis :( SANA MATULOY. or baka ako na lang mag-isa pumunta? yuck! ayaw!! haha :P
next week din! punta qc si baby ruth. YEY! sana lang makasama ako sa plans nila, kung ano man magagawang plans, mga tamad na bata yan e. basta movie date movie date :)

ayoko na talaga ng problems of the heart. ayoko na rin makakita ng mga tao na nakakaranas nito. kasi parang ang hirap. nahihirapan ako para sa kanila. kasi ayoko na rin maramdaman yun. EVER. kaya ang mabuti pang gawin ay gumawa ng pera at magshopping. :)) di na natuloy shopping namin ni bes :( haaaaay. next time. hehe

yuck loser talaga ako. nakikinig ako sa broken sonnet by hale. kasi nga loserrrrr ako. hahahaha :)) ang sama ko ba? favorite ko dati hale e. i was a kid. hahaha. pogi kasi ni champ. mahilig pa ko sa chinito nun. ngayon, steady. hahaha. ang cute nung classmate namin. si Mr. ***, kasi he looks like a kid. tapos parang mabait naman siya. :) pero di ko siya crush :P natutuwa lang ako sa kanya. pati sa name niya. hmm ayun. pero cute talaga si he101 classmate. ang ganda kasi ng eyes niya e. PERO mas cute si ***** *********! kasi kasi kasi. hahaha :P secret. kahit ang kulit niya sobra. pati medyo masama siya ha. medyo lang naman. hahahahahahhaha. yuck o. kinikilig ako inside. ohshit. hahahaha :)) nakita ko nga reflection namin nung magkasama kami. tapos pagkakita ko. thought balloon pops out. PWEDE! hahaha :)) WTF. ilusyonadang bata. :)) haha. ohwell. a girl can dream.

gusto ko na gawin yung mga plans ko. pero di ako makagalaw! grabe. it's killing me. i am so broke. i can't wait for august. money i need you. ngayon nga every peso bilang na sa kin e. dati wala ako pakialam sa price ng food na binibili ko. basta kung ano gusto ko kainin go lang ng go. ngayon. wala na! tatanong ko pa sa friends ko, 'ano ba yung pagkain na maalat na mura lang na hindi naman walang kwenta? yung hindi chips. yung mabubusog ako.' ang lungkot! nakakalungkot isipin na umabot ako sa ganito. haha. joke lang. oa. pero seryoso ganyan na ko. kasi... ewan ko rin. mali e. mali talaga mga ginagawa ko lately. sobrang di ko nabudget yung pera ko tapos nag-assume ako na magagawa ko yung isang bagay para mabawi yun. assuming kasi! ayan! hahaha. ano ba ginawa ko sa pera ko? pinangdrugs. ayun. july 3 pa lang ubos na. AW! ahahaha :)) joke lang. di ako druggers. nagshopping ako ng mga dress. ang saya nga e. 1/4 pa lang nagamit ko. haha :P

nakakatuwa kahapon sa news. sabi nung mga babae di daw sila nagccomplain na mahirap ang buhay ngayon. ang nagsasabi lang daw nun e yung mga walang paraan. ang dami daw pwedeng gawin para magpakabuhay. tama tama! i agree. mga tamad kasi yung iba e. ewan ko lang ha. masama ba ko? pero ang aarte kasi e. oo na. mahirap na ang buhay. mataas ang presyo ng mga bilihin. lalo na yung pakingshet na gas. (grabe no? go hybrid na. pfft. haha.) marami kayong pwede gawin. raket lang kailangan niyo. gamitin ang isip. anyway, ayun. natuwa lang ako sa pagtingin nila sa buhay. sana kasi lahat ganun e. ewan.

ano pa ba? wala na e. masaya lang :)

7:43 AM