Sunday, March 30, 2008

nakakaasar ang mga elitista. GRRRRRRRR. nakakagigil. yung tipong 3am na e naka-tambay pa sa starbucks. yosi. yosi. kape. kape. pasosyal. bwiset. oo na. mayaman na kayo. kaya niyo bumili ng kapeng tig-isangdaan. kulang sa social awareness ang mga batang ito. magising nga kayo. kayo yung pumaparty hanggang alas-singko ng umaga e. naisip niyo ba na yung tatlo hanggang limang daan niyo na pambayad ng entrance e malaking bagay ang magagawa para sa mga mahihirap? shit. ang dami kong kilala na sobrang mang-alipusta ng mahihirap. dati nga e. madikitan lang ako ng mahirap kailangan talaga magsabon o mag-alcohol agad! pero naisip ko na ang arte ko naman. hindi naman sila disease-carriers para pandirian. nakakalungkot din na ang tawag ko sa kanila ay mahihirap. o sige. ibahin natin. ang masa. yun pa. napakaproblematic naman. MASA. nakararami. shiiiit. baliktarin na ang tatsulok! hahaha

Kaya lang yung mahihirap naman kasi e. Bibigyan mo nga ng donations... pero hanggang kailan lang ang itatagal? Bibigyan ng pabahay. Ibebenta sa iba. Mags-squat ulit. Fuck. Nakakaasar.

Bakit ganito?

10:31 AM