|
||
Tuesday, March 25, 2008
Isang malaking pagkakamali Ang pagkaitan ka ng umagang Magbibigay ng liwanag at Gagabay sa landas na Minsan ko nang tinalikuran Kung bibigyan ako ng pagkakataon Aayusin ko ang lahat para sa iyo Sa gabi'y babantayan ang 'yong pagtulog Sabay sa himig ng kalangitan Dinuyan kita't pinangakuan, Babalik ako sa tamang panahon Hindi ko pa kayang palakihin ka Sa ngayon, paalam na muna
3:43 PM
|