Monday, March 31, 2008




gaano katagal akong dudungaw?

7:00 PM

Sunday, March 30, 2008

Nakakalungkot isipin na ang dami kong pinalagpas. Mga pagkakataong gusto kong hawakan. Angkinin. Mga bagay na karapat-dapat na akin. Akin lang. Ngunit mas pinili ko ito. Ang walang kasiguraduhan, walang patutunguhan, at ang nag-iisang bagay na wala akong karapatan. Naisip ko na rin na pakawalan ang mga ala-alang nagpapaligaya at magpapaligaya sa akin. Ngunit laging nagkakaroon ng bagong rason para magbago ang aking isip.




------------
OMAYGAD GUSTO KO NG DSLR!

10:46 AM


nakakaasar ang mga elitista. GRRRRRRRR. nakakagigil. yung tipong 3am na e naka-tambay pa sa starbucks. yosi. yosi. kape. kape. pasosyal. bwiset. oo na. mayaman na kayo. kaya niyo bumili ng kapeng tig-isangdaan. kulang sa social awareness ang mga batang ito. magising nga kayo. kayo yung pumaparty hanggang alas-singko ng umaga e. naisip niyo ba na yung tatlo hanggang limang daan niyo na pambayad ng entrance e malaking bagay ang magagawa para sa mga mahihirap? shit. ang dami kong kilala na sobrang mang-alipusta ng mahihirap. dati nga e. madikitan lang ako ng mahirap kailangan talaga magsabon o mag-alcohol agad! pero naisip ko na ang arte ko naman. hindi naman sila disease-carriers para pandirian. nakakalungkot din na ang tawag ko sa kanila ay mahihirap. o sige. ibahin natin. ang masa. yun pa. napakaproblematic naman. MASA. nakararami. shiiiit. baliktarin na ang tatsulok! hahaha

Kaya lang yung mahihirap naman kasi e. Bibigyan mo nga ng donations... pero hanggang kailan lang ang itatagal? Bibigyan ng pabahay. Ibebenta sa iba. Mags-squat ulit. Fuck. Nakakaasar.

Bakit ganito?

10:31 AM

Tuesday, March 25, 2008

Oo, iniisip ko pa rin kung ano nga kaya. Sayang. Hinding hindi ko malilimutan ang mga tawanan, kwentuhan, at patagong sulyapan. Nais ko man balikan, huli na at wala na akong paglalagyan. Masakit isipin na hindi man lang nasabi ang nararamdaman. Ayoko na muling pagdaanan kung patuloy lang akong masasaktan. =[

4:02 PM


Isang malaking pagkakamali
Ang pagkaitan ka ng umagang
Magbibigay ng liwanag at
Gagabay sa landas na
Minsan ko nang tinalikuran

Kung bibigyan ako ng pagkakataon
Aayusin ko ang lahat para sa iyo
Sa gabi'y babantayan ang 'yong pagtulog
Sabay sa himig ng kalangitan

Dinuyan kita't pinangakuan,
Babalik ako sa tamang panahon
Hindi ko pa kayang palakihin ka
Sa ngayon, paalam na muna

3:43 PM

Sunday, March 02, 2008

"ikaw lang naman e."

hindi mo alam kung gaano ako kasaya :)
salamat. sana hindi ka mawala. pero wala akong magagawa :( sana matagal pa bago dumating ang kinatatakutan ko.

jan feb march :)
sana 10 years! hahaha

7:21 PM