|
||
Sunday, February 24, 2008
is thinking. meeeow hahahaha anyway. these past few days are a bit unclear. Wednesday. Feb20.08 Eunice's Debut at the Coconut Palace. it was fun! i miss my highschool classmates. kahit parang twice a month naman kami nagkikita. hehehe. basta! got home at around 12am. slept at around 1am. Thursday. Feb21.08 didn't attend my 830am class coz i was so tired. hihi nagtaxi pa ko para sa pp19, which is my 10am class, tapos wala rin pala si sir. aww too bad Astrud. minamalas ka ba? hahahaha. bonding with classmates na lang. haha. from party party to local music to art films/porn. there's this art film which shows everything and by everything i literally mean everything. haha. labo ba? anyway. penetration. there. i shall review this film soon. wow. "review" talaga yung term. haha. bonding with miss yessa! sobrang miss ko siya. tapos she gave me tips on how to be a lady hahahaha :)) mga pakipot styles. raaa. i miss her miss her miss her Saturday. Feb23.08 HAPPY HAPPY BIRTHDAY MOMMY! :) Sunday. Maulap na naman ang bundok ng Montalban. Bata pa lang ay hilig ko nang tanawin ang bundok. Marami nang pagmumuni-muni ang napagsamahan namin. Mula sa problema sa pag-aaral, sa kaibigan, sa pera, at sa puso. Naging kagawian ko na ito. Marami na rin ang mga itinayong gusali sa bundok. Tadtad na ito ng ilaw tuwing gabi. Nakikipagpaligsahan ito sa mga butuin pagpatak ng dilim. Malayo ang bundok mula sa amin. Malayo. Mahabang lakarin. Magulo ang tatahakin. Maingay. Mabato. Mapapagod lang ako. Pero pangako ko sa sarili. Maakyat ko rin ito. Ilang taon din siguro ang hihintayin ko. Pero kailan? Sino ang makapagsasabi sa 'king ito na ang panahon? Sandali lang ha. dagdagan ko na lang later. naalala ko na kailangan ko nga pala mag-aral ng Stat! exam na namin sa Wednesday. oo alam ko maaga pa.. pero! hahahaha :) Tapusin ko na lang ito as a flash fiction. mga katanungan lang naman yan dapat e. nako. anyway. wala naman siguro nagbabasa ng blog ko. unless isa ka sa mga minions ko! hahahaha joke lang :) sige.
8:37 AM
|