|
||
Sunday, February 24, 2008
tama. hindi ko kailangan ng validation. i don't want to get involved or be in a relationship just for the sake of being with someone. feeling special, because someone says you are. i don't need anyone to tell me what i am. i know my worth. ayoko rin umasa na makukumpleto ako ng isang tao. ako lang ang makakagawa nun. ako lang ang makakapagpasaya sa sarili ko. hindi ako nagb-bitter. i mean, complete happiness must not come from someone else. paano na lang kung walang dumating o walang nakita? too bad na lang? ganun ba yun? hindi. wag kang umasa na may nakatakdang prinsipe na sasagipin ka sa magiting mong tore. ikaw ang nagpataas sa mga pader. ikaw lang ang may karapatang bumuwag nito. lumabas ka. tumingin ka sa malayo. ang dami pa. marami ka pang maaaring tahaking landas. parang test lang yan e. mas masakit magkamali sa true or false kaysa sa multiple choice di ba? may lusot ka kasi pag marami ang choices e. e kung dalawa lang ang pagpipilian? ang tanga mo na lang kung magkakamali ka pa. kanina nung nasa shower ako, nakapag-isip-isip ako. ang hirap no? ang kumplikado ng love e. ano ba yun? para kasing ang superficial lang e. yung mga taong may ginintuang puso, usually single sila. bakit? di kasi sila pinagpala ng kagandahan physically. not all. pero may mga kilala ako. tapos naisip ko, ang babaw no? una kasi yung physical attraction. tapos naisip ko rin, bakit kaya ako nagkakagusto sa isang tao kahit medyo mababa ang grade niya sa "pleasing personality" portion... dahil ba real love yun? tapos naisip ko rin, baka naman mas naaattract ako sa kanila kasi ayokong maisip ng tao na superficial ako, na hanggang pisikal lang ang pinagbabasehan ko. tapos naisip ko rin, bakit nga ba may pakialam ako sa iisipin ng iba? giving a damn about what other people think makes me superficial. shit. nababaliw ako. hohoho FIGHT CLUB is love. i would love to meet tyler durden please :)
3:31 PM
|