Sunday, January 20, 2008

Sindi. Hithit. Buga.
Nananakit na kasu-kasuan, pati na rin ang sikmura
Naghihintay sa pagdating mo, kanina pa.
Gabi na, anong oras na nga ba?

Ubo-ubo.
Nilalamig na rin ako, tagos hanggang buto
Buti natagalan ko hanggang Enero.
‘Di bale na, basta para sayo.

--------------------------------------

Ayun na naman yung mama,
Sabi na nga ba hindi dapat ako nagtiwala
Dapat talaga hindi na ako naawa,
Nung sinabi niyang siya’y nawawala

Nababaliw lang ba ako?
O talagang nagmamasid siya sa labas ng bahay ko?
Lima? Anim? Pito?
Ilang buwan na ba niya ginagawa ‘to?









sige. 1st draft pa lang. patawad. hahaha

3:26 PM